Posts tagged: men

Men are by nature merely indifferent to one another; but women are by nature enemies.
Schopenhauer.
Unusual men’s fashion trends: Spring 2011 Milan Fashion Week.

CROP TOPS

MONOKINIS

MEGGINGS

MEN’S LACE AND SHEER FASHION

FLORAL PRINTS

MEN’S CHAINS AND PENDANTS

[via]

Kung lalaki ka, dapat alam mo kung…

(I considered both straight and not straight guys here.)

Ilang bagay na dapat tandaan sa pagiging lalaki:

  • Paano rumespeto sa sarili mo.

Bago ka irespeto ng ibang tao at rumespeto sa ibang tao ay dapat matutunan mong irespeto ang sarili mo. Kung paano mo nakikita ang sarili mo at kung paano mo ito ginagampanan ay ganoon ka nakikita ng ibang tao.

  • Paano rumespeto sa ibang tao, lalo sa kapwa lalaki mo.

Wala kang mararating kung sarili mo lang ang iniintindi mo, ang iniisip mo. Tandaan mo na hindi lang ikaw ang taong nabubuhay sa mundo. Tandaan mo na hindi lang ikaw ang lalaki at may paninindigan sa mundo. Pantay pantay ang lahat at dapat mo itong tanggapin.

  • Alam mo kung hanggang saan ang limitasyon mo.

Sa pagiging lalaki, hindi na dapat pang pinapaalalahanan kung hanggang saan ka lamang at kung hanggang sa ano lamang ang dapat at kaya mong ibigay. Ang isang tunay na lalaki, mapa straight man o hindi, ay alam kung kaya pa niya o hindi na.

  • May prinisipyo sa buhay.

Alam ng isang lalaki kung ano ang pinanghahawakan niya sa buhay at kung ano ang ipinaglalaban niya—mapa tama man ito o mali sa mata ng ibang tao. Alam ng isang lalaki kung bakit niya ipinaglalaban ang isang bagay dahil naniniwala siyang may rason ito at may halaga para sa kaniya at sa ibang tao.

  • Hinaharap ang bawat consequence sa buhay.

Mapa straight man o hindi, matapang ang isang lalaking marunong humarap sa hamon ng buhay dahil naniniwala siyang malalampasan niya ito, na matatapos niya ito. Hindi alintana ng isang lalaki ang hirap na maaari niyang mapagdaanan para lang dito.

Kung lalaki ka, matuto kang umintindi sa bawat bagay na ipinupukol sa iyo ng mga tao. Dahil hindi lahat nga alam mo ay tama at totoo. Maaaring oo pero pwede rin namang hindi.

Kung lalaki ka, hindi mo na dapat binabasa ito dahil dapat, alam mo na kung ano at paano ito.